Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rufa Mae Quinto shares name of her first baby


Magiliw na ibinabahagi ng “Bubble Gang” star na si Rufa Mae Quinto sa social media ang ilang updates tungkol sa kaniyang nalalapit na pagpapakasal sa kasintahang si Trev Magallanes, pati na tungkol sa kaniyang pagbubuntis sa kanilang panganay na anak.

Nitong nakaraang linggo, ibinahagi na nga ni Rufa Mae ang magiging pangalan ng kanilang first baby—Alexandria.

Sa kaniyang Instagram posts, ginagamit niya na ang nasabing pangalan para sa mga mensahe niya sa kaniyang anak.

“Awareness of the breath and strengthening the belly muscles and spine to stay fit during pregnancy for the baby and the mom, para sa'yo  #Alexandria! Dahil mommy loves you,” aniya sa caption ng larawan kung saan makikitang sumasailalim siya sa prenatal yoga.

 

 

A photo posted by Rufa mae Quinto (@rufamaequinto) on

 

Maliban sa yoga, sinusubukan rin ng sikat na comedienne ang ilang pang ehersisyo upang paghandaan ang kaniyang panganganak.

Habang sumasailalim nga sa prenatal swimming exercises, unang beses raw na naramdaman ni Rufa ang paggalaw ni Alexandria sa kaniyang sinapupunan.

 

 

Kabilang sa mga madalas na kasama ng excited mom-to-be ang kaniyang matalik na kaibigan at celebrity mom na si LJ Moreno.

Kuwento niya, “We had brunch after school of the kids. I think ganito na talaga ang motherly, moshkie, momshe, momshie life ko! Hatid-sundo sa Baby Alexandria, soon!”

 

 

A photo posted by Rufa mae Quinto (@rufamaequinto) on

 

Nakatakdang ikasal sina Rufa Mae at Trev sa November 25.

Kamakailan lamang, nag-apply na ang magkasintahan para sa kanilang marriage license.

“I'm so overwhelmed. I never thought there's love like this and that... My friends are more excited than me. They said we've been waiting for this for so long so let's make it a dream wedding," ayon kay Rufa Mae sa naunang pahayag. — RSJ, GMA News