True ba, Janno, Ogie sabay na lilipat sa ABS-CBN? | Bandera

True ba, Janno, Ogie sabay na lilipat sa ABS-CBN?

Ambet Nabus |October 15,2016
facebook
share this

True ba, Janno, Ogie sabay na lilipat sa ABS-CBN?

Ambet Nabus - October 15, 2016 - 12:10 AM

ogie alcasid at janno gibbs

BIG fan. Iyan ang sinabi ni Janno Gibbs kung bakit namataan siya sa “Pasalamat” concert ng Ang Probinsyano last weekend.

Very vocal at active raw kasi ang singer-actor sa pagbibigay ng feedback sa serye ni Coco Martin sa kanyang Instagram account kaya’t naimbitahan siya ng production staff to watch the said concert.

Inakala kasi ng marami na baka very soon ay lilipat na rin ng ABS-CBN si Janno, na nagbalita ring under contract pa siya sa TV 5hanggang next year.

Well, matagal nang “fan” si Janno ng mga shows ng ABS-CBN. Nu’ng minsan namin itong makausap, napaka-vocal pa nito sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa Your Face Sounds Familiar na type na type sana niyang salihan noon.

Well, ilang buwan na lang din naman at 2017 na, baka naman sabay pa silang lumipat sa ABS-CBN ng kanyang BFF na si Ogie Alcasid na mukhang pinag-iisipan na rin ang pag-ober da bakod dahil malapit nang matapos ang kontrata niya sa Singko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending