Book 2 ng kalyeserye mas bongga; kasalang AlDub tuloy na | Bandera

Book 2 ng kalyeserye mas bongga; kasalang AlDub tuloy na

Jun Nardo |October 14,2016
facebook
share this

Book 2 ng kalyeserye mas bongga; kasalang AlDub tuloy na

Jun Nardo - October 14, 2016 - 06:27 PM

alden richards at maine mendoza

IBABALIK nga ba ng Eat Bulaga Kalyeserye ng AlDub? Yan ang pinag-uusapan ngayon matapos ngang pahaging si Wally Bayola sa isang social media post na ngayong Sabado bubulaga muli ang loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Siyempre, hindi pa man ay nagbubunyi na ang AlDub Nation, huh! Miss na miss na nila talaga ang kanilang mga idolo. Ang loveteam din kasi nina Alden at Maine ang bumago sa landscape ng noontime shows.

Matatandaang nagtapos ang Kalyeserye sa pagsagot ni Maine sa Pambansang Bae ng, “I love you, Alden!” Since then, panay na ang shoutout ng kanilang fans na ituloy na ang Book 2 ng Kalyeserye.

Wala pa namang kumpirmasyon ang nasagap naming magiging takbo ng Kalyeserye Book 2. Ang dinig namin, mamamanhikan na si Alden sa tatlong lola (Wally, Paolo Ballesteros at Jose Manalo) and then, mauuwi na ito sa bonggang kasalan. After that, wala na kaming iba pang karugtong ng kuwento.

Espesyal na espesyal ang episode na ito ng KS, huh! Kahit paano ay maiibsan na ang pagkauhaw ng AlDub Nation na makitang muling naglalambingan sina Alden at Maine.

Wait na lang tayong lahat kung ano ang mga bagong eksena sa pagbulaga muli nina Alden at Maine sa Kalyeserye at garantisadong maliligayahan lahat ng Dabarkads!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending