Ai Ai payag maging ninang ng anak nina James at Michela | Bandera

Ai Ai payag maging ninang ng anak nina James at Michela

Alex Brosas |August 14,2016
facebook
share this

Ai Ai payag maging ninang ng anak nina James at Michela

Alex Brosas - August 14, 2016 - 12:05 AM

aiai james at michela

ACTIVE na naman sa social media itong si Ai Ai Something kaya naman medyo na-surprise kami nang malaman naming hindi pala siya aware na nagbuntis at nanganak na ang dyowa ni James Yap na si Michela Cazzola.

“Next time, magpasabi ka naman. Nagulat na lang ako nasa news na! Happy naman ako para sa kanila kasi siyempre ang tagal na rin nilang couple. So, dapat meron na rin silang baby. Happy ako sa kanila kasi ang baby naman is a blessing,” say ni Ai Ai.

Ang mas nakakaloka ay ang kaplastikan ni Ai Ai when she said in a recent interview, “Okey lang na maging ninang ako kung kukunin niya ako. Okey na okey yun. Masaya ‘yun, ‘di ba? Ninang ako ng baby nila.”

Talaga lang, ha. ‘Yan ay kung kukunin ka ngang ninang nina James Yap at Michela Cazzola.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending