Kilala nyo ba sya? – Suspek sa pagpatay sa siklista, bigong lumantad sa MPD

By Jay Dones July 28, 2016 - 04:34 AM

 

Vhon Tanto1Ikinasa na ng Manila Police District ang manhunt operations laban sa suspek sa walang-awang pamamaslang sa isang biker sa Quiapo, Maynila Lunes ng madaling-araw.

Ito’y matapos na mabigo ang suspek na si Vhon Tanto na lumantad at isuko ang kanyang sarili sa takdang panahon na ibinigay ng Manila Police.

Si Tanto na isang Army reservist ay binigyan lamang ng hanggang alas 5:00 ng hapon ng Miyerkules upang mapayapang isuko ang kanyang sarili ngunit hindi ito lumutang.

Ayon kay Manila Police District Acting Director Sr. Supt. Joel Coronel,  handa nilang gamitin ang buong puwersa ng MPD upang tugisin ang suspek na si Tanto.

Si Tanto ang pangunahing suspek sa pamamaril at pagpaslang sa bike rider na si Mark Vincent Garalde sa Quiapo, Maynila noong Lunes ng madaling-araw.

Nasapul ng CCTV ang sagutan ng dalawa na humantong sa suntukan at pamamaril ng salarin sa biktima nang maagrabyado ito sa suntukan na kanyang sinimulan.

Nadamay pa ang isang 18-anyos na dalaga na tinamaan ng ligaw nab ala sa kanyang spinal cord.

Nangako rin ang lokal na pamahalaan ng Maynila na tutulong sa paghahanap sa suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.