Pagkamatay ni Jaime Fabregas sa ‘Ang Probinsyano’ pinagluksa ng madlang pipol | Bandera

Pagkamatay ni Jaime Fabregas sa ‘Ang Probinsyano’ pinagluksa ng madlang pipol

Reggee Bonoan |July 20,2016
facebook
share this

Pagkamatay ni Jaime Fabregas sa ‘Ang Probinsyano’ pinagluksa ng madlang pipol

Reggee Bonoan - July 20, 2016 - 12:20 AM

jaime fabregas

NAGLUKSA ang mga manonood sa pagkamatay ni Lolo Delfin sa episode ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Lunes. Si Delfin ay ginagampanan ng veteran actor na si Jaime Fabregas na lolo at boss ni Cardo (Coco Martin) sa PNP.

Selebrasyon ng kaarawan ni Lolo Delfin ang mga eksena sa nasabing episode at naikuwento nga nito kina Cardo na isang taon na lang ay retirado na siya at masaya siyang aalis ng serbisyo na malinis ang pangalan. At dapat daw itong manahin ng under niyang pulis kasama na si Arjo Atayde bilang si Joaquin.

Habang nagkakasayahan ay binaril siya ni Cesar Montano na may matinding galit sa lolo ni Cardo dahil sa pagkamatay ng asawang opisyal din sa isang engkuwentro. Umalis ito sa serbisyo at naging hired killer. Dahil sa pagkamatay ni Lolo Delfin hinanting ni Coco si Cesar hanggang sa magpang-abot nga sila sa isang restaurant. Tiyak na umaatikabong aksiyon ang magaganap sa mga susunod na episode ng serye.

Mahaba pa ang tatakbuhin ng FPJ’s Ang Probinsyano kaya nakakapagtaka kung bakit kailangan nang patayin si Lolo Delfin. At sino kaya ang papalit sa puwesto niya sa PNP? May malaking sorpresa tiyak ang Dreamscape kung sino ang susunod sa pwesto ng opisyal ng PNP.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending