Blogger na naninira kina Alden at Maine lagot sa AlDub fans | Bandera

Blogger na naninira kina Alden at Maine lagot sa AlDub fans

Alex Brosas |July 14,2016
facebook
share this

Blogger na naninira kina Alden at Maine lagot sa AlDub fans

Alex Brosas - July 14, 2016 - 12:15 AM

maine mendoza at alden richards1

GINAWANG big deal ng isang walang kuwentang blogger ang absence ng GMA Artist Center talents sa premiere night ng movie nina Alden Richards and Maine Mendoza.

Nagmahadera ang hitad, asking kung bakit walang talent ng GMAAC sa premiere night. Parang pinagmukha niyang hindi marunong makisama ang mga talents ng Siyete gayong sikat na sikat si Alden na kasamahan nila sa GMAAC. Ang laki ng problema ng blogger, parang bothered na bothered siya kung bakit walang iba pang talents ng Siyete sa premiere night. Parang may gusto siyang makitang talent ng Siyete.

Pinalabas pa ng blogger na ubod ng sama ang AlDub fans dahil ang feeling niya ay kung hindi nila inaaway ang mga friends ni Alden sa GMAAC ay baka sinuportahan nito ang actor. Naku, tiyak na magwawala ang AlDub fans sa blogger na ito na ubod ng mahadera. Ngayon pa lang, sure kaming hinahanting na siya. Siguro ay nagpapapansin siya kasi wala naman halos nagbabasa ng blogs niya.

Nagtataray ang blogger, eh, wala naman siyang narating sa mundo ng showbiz. Wala naman siyang alam isulat kundi ang mga la favorita niyang si Marian Something. Mas mukha siyang faney kaysa sa blogger, ‘no!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending