Sexy actress sa kanyang leading man: Hindi kami talo! | Bandera

Sexy actress sa kanyang leading man: Hindi kami talo!

Ambet Nabus |July 12,2016
facebook
share this

Sexy actress sa kanyang leading man: Hindi kami talo!

Ambet Nabus - July 12, 2016 - 12:52 AM

BLIND ITEM FEMALE 0429

Hala, how true kaya ang tsismis kapatid na Ervin na sa isang umpukan daw ng mga sikat na celebrities ay nagkabiruan ang mga male host na totoo pala ang tsikang “super sexy” ang ginawang movie ng karelasyon ng isang lalaking TV host.

Inalaska pa nga raw si male TV host ng mga co-workers niya kung hindi raw ba ito nagselos lalo pa’t bigay na bigay daw ang girlfriend nito sa mga eksena with a very popular leading man. Hindi raw kasi pinayagang manood ni GF ang kanyang karelasyon dahil sa mga sensitibong eksena na ginawa niya sa movie.

Pero dahil nga sa mga kuwentuhan at tuksuhan, naeengganyo na raw si male TV host na panoorin ang nasabing movie. But then again, minabuti na lang daw nitong hindi gawin at panindigan ang sinabi ng GF na, “Wala kang dapat na ikaselos o ika-insecure dahil safe naman at hindi katalo,” na ang tinutukoy nga ay ang kanyang leading man.

Hmmm, hindi talaga katalo as in? May ganern? Ano ‘to, confirmation ng mga tsismis about the actor regarding his sexual preference? Ay grabe siya! Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending