Baron vs Kiko: Laban kung laban, handa na sa rematch! | Bandera

Baron vs Kiko: Laban kung laban, handa na sa rematch!

Alex Brosas |June 26,2016
facebook
share this

Baron vs Kiko: Laban kung laban, handa na sa rematch!

Alex Brosas - June 26, 2016 - 12:20 AM

baron geisler at kiko matos

BAGO ang laban nila kagabi ay puro kalokohan ang nangyari between Baron Geisler and Kiko Matos. Sa kanilang weigh in pa lang ay in-spray-an ni Kiko si Baron ng ihi. Talagang ang daming nabastusan sa kanyang ginawa laban sa actor.

We also saw a photo of Kiko showing his ass in one podcast show. Talagang walang takot na ibinuyangyang ni Kiko ang kanyang puwet bilang mensahe kay Baron. It was to us a very demeaning action. Para kasing sinasabi niya kay Baron na lick my ass.

We’re writing this kahapon at ewan kung sino ang nanalo sa laban nila kagabi.

Kung si Kiko ang nanalo, well and good. But there’s no denying na he could lose nothing sa fight nila because between him and Baron ay mas may career sa kanya si Baron. Ang siste lang, sisikat siya at baka masindak sa kanya ang co-actor niya kasi palaban pala siya. If Baron won, marami tiyak ang hahanga sa kanya kasi nasa disadvantage point siya, dehado kasi siya sa laban, mas maliit siya.

Whatever! The fight will only show that some showbiz actors mean what they say. Fight kung fight, laban kung laban. ‘Yan ang tunay na lalaki!!! Ayon pa sa dalawang aktor, ready silang magkaroon ng rematch!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending