Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jerald Napoles on being typecast as gay character: 'It's effective, I get more jobs'


Hindi raw “big deal” sa Kapuso actor-comedian na si Jerald Napoles na tila madalas siyang nabibigyan ng gay roles sa entablado man o telebisyon.

Aniya, nasanay na raw siyang gumaganap bilang gay, kaya naman komportable na siya sa mga ganitong karakter at nagagampanan na rin niya ito nang maayos.

“I think it started when I did Care Divas sa PETA. Noong ginawa ko 'yun, hindi kasi inaasahan ng mga tao na may isang maitim na matangkad na bato-batong bakla na kayang (gumanap na) transvestite. Then I started getting some projects na bading-bading rin ako,” kuwento niya sa naganap na pres conference nitong Martes.

Dagdag pa ni Jerald, “Siyempre, kapag lagi mong ginagawa, nagiging komportable ka. If it's effective, it means I get more jobs.”

Kabilang si Jerald sa mga bibida sa upcoming Kapuso comedy series na “Conan My Beautician,” kung saan gaganap siya bilang si Greg the Paminta, isa sa mga gay beautician ng Salon Paz.

Makakasama niya sa nasabing programa sina Mark Herras, Megan Young, Chlaui Malayao, Balang, Lotlot de Leon, Jay Manalo, Antonette Garcia, at ang mga kilalang komedyanteng sina Vangie Labalan, Tetay, Boobsie, Cacai Bautista, at Betong Sumaya. -- FRJ, GMA News