Martin del Rosario na-in love sa mangkukulam | Bandera

Martin del Rosario na-in love sa mangkukulam

Ervin Santiago |June 16,2016
facebook
share this

Martin del Rosario na-in love sa mangkukulam

Ervin Santiago - June 16, 2016 - 12:20 AM

martin del rosario at joyce ching

TAMPOK sa Wagas ngayong Sabado ang isang kuwentong magpapakita sa kapangyarihan ng tunay na pag-ibig. Gaganap ang Kapuso hunk na si Martin del Rosario bilang si Arthur na buong-pusong tatanggapin ang pagkatao ni Joyce Ching bilang si Jane.

Sa mata ng ilan niyang kababayan, isang “mangkukulam” si Jane. Pero ang totoo, namana niya mula sa kanyang lola ang kapangyarihan ng pagiging “manggagamot”. Kakaiba ang kaniyang powers dahil hindi lang siya nakagagamot ng mga karaniwang sakit kundi nakagaganti rin siya sa mga nakagagawa ng masama sa pamamagitan lang ng kanyang isip.

Pero hindi naging sagabal kay Arthur ang reputasyong ito ni Jane. Minahal niya ang dalaga ng wagas at ipinadama sa kanya kung paano tanggapin nang walang panghuhusga. Abangan ang kuwentong ito sa Wagas ngayong Sabado, 7 p.m., sa GMA News TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending