P131M jackpot bukas | Bandera

P131M jackpot bukas

Leifbilly Begas |June 12,2016
facebook
share this

P131M jackpot bukas

Leifbilly Begas - June 12, 2016 - 01:57 PM
lotto for site Walang tumama sa jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola kagabi at inaasahang aabot ito sa P131 milyon bukas.      Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumaya sa winning number combination na 42-13-33-34-51-02.      Umabot sa P125.4 milyon ang jackpot prize noong Sabado.      Nanalo naman ng tig-P182,710 ang pitong mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas. Tig-P330 naman ang 439 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 10,812 mananaya na nakatatlong numero.      Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon. Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending