Kim Chiu, Xian Lim pinakilig ang mga taga-Guimaras | Bandera

Kim Chiu, Xian Lim pinakilig ang mga taga-Guimaras

Ervin Santiago |May 24,2016
facebook
share this

Kim Chiu, Xian Lim pinakilig ang mga taga-Guimaras

Ervin Santiago - May 24, 2016 - 02:00 AM

xian lim at kim chiu

MAHIGIT 11,000 katao ang sumugod sa Guimaras Provincial Capitol Grounds noong Sabado upang makita at maka-bonding ang mga bida ng Primetime Bida series ng ABS-CBN na The Story Of Us na sina Kim Chiu at Xian Lim.

Pinagkaguluhan at pinakilig ng magka-loveteam ang mga taga-Guimaras habang inalayan nila ito ng mga trending na kanta ngayon. Ang Guimaras ang unang binisita ng tambalang KimXi para sa “TSOUristas Global Trip,” isang tour na alay sa mga masusugid na manonood ng primetime series para patuloy nilang pagsubaybay rito.

Nakatakda namang dumayo sina Kim at Xian sa Lucena (Mayo 28), Saipan (Mayo 29), Chicago (Hunyo 11), at London (Hulyo 17) para sa pagpapatuloy ng “TSOUristas Global Trip.” Sa pagpapatuloy naman ng kwento ng The Story Of Us, unti-unti na ngang sinukuan ni Macoy (Xian) si Tin (Kim) at nagdesisyon nang bumalik ng Pilipinas dahil sa nakatakdang pagpapakasal ng dalaga kay CJ (Bryan Santos).

Ito na nga ba ang katapusan ng love story ng magkababata? O, makialam na naman ang tadhana sa kanilang makulay ngunit masalimuot na pagmamahalan? In fairness, hindi imposibleng magwagi sa pagka-best actor at best actress sina Xian at Kim sa susunod na awards season dahil sa galing ng akting nila sa kanilang serye.

Tutukan ang mga susunod na eksena sa love story nina Tin at Macoy sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng Dolce Amore.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending