Filtered By: Topstories
News
Sinipsip pa raw ang dugo

Diabetic na lola, kritikal matapos tadtarin daw ng hiwa ng blade sa katawan ng albularyo


Kritikal ang kalagayan ng isang 70-anyos na lola sa Pasacao, Camarines Sur matapos umano siyang tadtarin ng hiwa sa katawan ng isang nagpakilalang albularyo gamit ang blade.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, sinabi ng albularyong si Leopoldo Traspe na inimbitahan siya ng mga kaanak ng biktimang si Rosalina Rivera para gamutin ang diabetes nito.

Pero sa halip na gumaling ang matanda, lalo pa raw lumala ang kanyang kondisyon nito dahil sa dami ng nawalang dugo sa kanya na ipinasipsip sa kakaibang uri ng aparato.

Iginiit naman ng albularyo na wala nang malay ang biktima nang kaniyang datnan sa bahay.

Patuloy na inoobserbahan sa intensive care unit sa Bicol Medical Center ang biktima na hindi pa nagkakamalay.

Kinasuhan naman ng reckless imprudence at medical malpractice si Traspe. -- FRJ, GMA News

Tags: faithhealing