Makakasampa bang muli sa barko? | Bandera

Makakasampa bang muli sa barko?

Joseph Greenfield |May 15,2016
facebook
share this

Makakasampa bang muli sa barko?

Joseph Greenfield - May 15, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Joseph King ng Gamao Subdivisio, Luniab, Iligan City
Dear Sir Greenfield,
Dati po akong nagse-seaman kaya lang ng makaipon ako ng konting pera ay naisipan kong mag-negosyo. Maraming negosyo ang sinubok ko pero nagkalulugi at naubos ang ipon ko at nabaon pa ako sa mga pagkakautang. Sabi nga ng misis ko ay mag-seaman na lang akong muli para makaahon kami sa mga pagkakautang. Kaya sa ngayon ay nag-aaplay uli ako sa dati kong agency. Itatanong ko lang kung makapag-aabroad kaya uli ako, at kung muli akong makapagbabarko kailan naman kaya ito mangyayari? July 28, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Joseph King Iligan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow a.) sa iyong palad. Ibig sabihin, tama ang misis mo higit kang susuwertehin sa pag-aabroad kaysa sa pagnenegosyo. Kaya mas makabubuti ngang maglubay ka na sa mga palpak na negosyong napasukan mo sa halip, pagkakataon na sapanahon ngayon na muli kang mag-aplay sa barko.
Cartomancy:
Nine of Diamonds, Five of Clubs at Jack of Diamonds (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding kasalukuyan 2016 sa buwan ng Setyembre sa edad mong 34 pataas may ikalawang mas mabunga at mas mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending