Filtered By: Topstories
News

Tatlong kabataan, bigla na lang pinagbabaril sa GenSan


Tatlong kabataan ang nasawi matapos silang pagbabarilin ng salarin na nakasakay sa motorsiklo sa General Santos City.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Sabado, sinabing batay sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad pauwi ang mga biktima nang pagbabarilin.

Kinilala ang mga biktima na sina Emer Cris Tanallon at  Arwin Dela Cruz, kapwa 16-anyos, at si Robelo Labajo, 19.

Hinihinala ng mga pulis na may kaugnay sa gang war ang motibo sa pamamaril.

Patuloy ang isinasagawang iniimbestigahan ng mga awtoridad para mabigyan ng hustisya ang mga biktima. -- FRJ, GMA News
 

Tags: crime