Grace sa mga kalaban: Wag n’yo nang idamay sina Tita Rose at Sheryl! | Bandera

Grace sa mga kalaban: Wag n’yo nang idamay sina Tita Rose at Sheryl!

Ervin Santiago |April 24,2016
facebook
share this

Grace sa mga kalaban: Wag n’yo nang idamay sina Tita Rose at Sheryl!

Ervin Santiago - April 24, 2016 - 02:00 AM

grace poe

Muli, nakiusap si presidentiable Sen. Grace Poe sa kanyang mga kritiko na huwag nang idamay sa labang-politika ang kanyang tiyahin na si Rosemarie Sonora at pinsang si  Sheryl Cruz.

Ito’y sa gitna na rin ng mga chika na umuwi raw sa Pilipinas si Rosemarie, kapatid ng ina ni Grace na si Susan Roces, para wasakin ang kandidatura ng senadora. Napabalita pa ngang magpapa-presscon daw sina Rosemarie at Sheryl para hiyain at ibandera ang mga lihim ni Grace.

Nauna nang pinabulaanan ni Sheryl ang nasabing tsismis, wala raw silang balak magsalita laban kay Grace at hindi totoong umuwi ng Pilipinas ang kanyang ina dahil binayaran ito ng mga kalaban ng kanyang pinsan.

Pakiusap ni Grace sa publiko, “Sana po ay mahinto na ang usapan tungkol diyan. Wala silang kinalaman sa pulitika, kaya’t huwag na natin silang idamay. “Isa kaming pamilya, at ang pamilya ay nagmamahalan at may respeto sa isa’t isa.

Nagpapasalamat ako kay Tita Rose at kay Sheryl dahil pinahahalagahan pa rin nila ang pamilya. Makakaasa sila na ganoon din kami. “Ang kampanya ay hanggang Mayo 7 lang. Ang pamilya ay panghabang-buhay,” pahayag pa ng senadora.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending