Filtered By: Showbiz
Showbiz

AlDub Nation, kasama nina Alden at Maine na pipili ng mananalo sa AlDub Songwriting contest


Apat sa pitong kanta na kalahok sa AlDub Songwriting contest ang napiling maglalaban-laban para sa final round ng nasabing patimpalak na may papremyong halahating milyong piso sa "Eat Bulaga."

 

Tamang Panahon - TJ Paeldon

Posted by Eat Bulaga on Friday, February 12, 2016

 

Nitong Sabado, ipinarinig sa "Eat Bulaga" ang pitong awitin na kalahok sa AlDub songwriting contest na naging inspirasyon sa paggawa ng awitin ay ang pag-iibigan nina Alden at Yaya Dub sa sikat na kalyeserye.

Ang pitong kalahok ay binubuo ng "Sa Tamang Panahon" (Henry Alburo), "Tamang Panahon" (Anthony TJ Paeldon), "Aldub You" ( Nino A.I. San Andres), "AlDub You, MaAlden Kita" (Ritchi Ramos and Richie Austria), "Langit Ko'y Ikaw" (Fernando Enoc), "Ta Pa" (Maria Nuevo and Karlo Zabala) at "Sana Naman" (Nicanor Gatchalian Jr.).

Nagsilbi namang hurado ang mga radio host na sina Nicole Hyala at Chris Tsuper; musician/ composer na si Mel Villena; Kapuso comedian Michael V., at si Bossing Vic Sotto.

 

Congratulations sa TOP 4 ALDUB Songs! Ta Pa by Maria Nuevo and Karlo ZabalaSana Naman by Nicanor Gatchalian Jr.ALDUB YOU (MAALDEN KITA) by Ritchi Ramos and Richie AustriaTamang Panahon by TJ Paeldon

Posted by Eat Bulaga on Friday, February 12, 2016

 

Ang apat na napiling maglaban-laban sa finals ay ang "Ta Pa," "Sana Naman," "AlDub You, MaAlden Kita," at "Tamang Panahon."

Sa susunod na linggo, pipiliin mula sa apat na awitin ang mananalo mula sa magiging boto ng AlDub Nation kasama sina Alden at Maine.-- FRJ, GMA News

Tags: aldub