Australian national natagpuang patay sa isang hotel sa Olongapo | Bandera

Australian national natagpuang patay sa isang hotel sa Olongapo

|January 25,2016
facebook
share this

Australian national natagpuang patay sa isang hotel sa Olongapo

- January 25, 2016 - 03:20 PM

bandera-1
NATAGPUANG patay ang isang 56-anyos na Australian national matapos atakin sa puso sa loob ng kuwarto sa isang hotel sa barangay Barreto, Olongapo City kagabi.
Nadiskubre ang mga labi ni Neil Robert Briscoe, na nakahandusay sa kama sa loob ng kuwarto sa Viking Hotel and Restaurant, sabi ni Sen. Insp. Rodel Paragas, police station 6 commander.
Si Briscoe ay tubong Melbourne.
Idinagdag ni Paragas na mag-isa lamang si Briscoe nang mag- check in sa hotel noong Enero 21 sa kahabaan ng Baloy Long Beach.
Hiniling ng may-ari ng hotel na si Carmen Sagun, sa mga pulis na tignan ang kanilang bisita matapos mabigong rumesponde sa mga empleyado ng hotel.
Pumasok ang mga pulis sa kuwarto ganap na alas-10 ng gabi at natagpuan ang kanyang katawan.
Isinama rin ng mga pulis sa konsiderasyon ang pag-inom ng biktima ng prescription medicine.
Inalis na ng mga imbestigador na may nangyaring foul play, at namatay ang Australian national dahil sa cardiac arrest, base sa isinagawang autopsy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending