Shaina ayaw pa ring maging cover ng FHM: Hindi kailangan, walang purpose! | Bandera

Shaina ayaw pa ring maging cover ng FHM: Hindi kailangan, walang purpose!

Reggee Bonoan |September 21,2015
facebook
share this

Shaina ayaw pa ring maging cover ng FHM: Hindi kailangan, walang purpose!

Reggee Bonoan - September 21, 2015 - 02:00 AM

shaina magdayao

“Parang hindi ko nakikitang need ko at feeling ko, hindi naman ako ganu’n,” ang sagot ni Shaina Magdayao nang tanungin namin kung may plano siyang mag-FHM dahil ang sexy na ngayon ng dalaga.

Bukod kasi sa maganda ang mukha ni Shaina ay maganda rin ang katawan nito, “Hindi ko lang siya nakikitang need, parang wala, so bakit kailangan kong gawin, walang purpose,” diin ng gumaganap na mama ni Marco Masa sa seryeng Nathaniel.

Opinyon lang daw iyon ni Shaina kaya huwag masamain, at bilib nga raw siya sa tapang at determinasyon ng mga nagiging cover ng nasabing men’s magazine.

Kami na ang magsasabi na konserbatibo ang magkakapatid na Magdayao, nagkataon lang na maraming naging boyfriend and single mom na si Vina Morales, habang si Shaina ay nagmahal lang sa maling panahon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending