Filtered By: Showbiz
Showbiz

GALLERY: Kapuso stars meet and greet fans for Grand Fans' Day


Napuno ng kantahan, sayawan, at iba't iba pang sorpresa ang ginanap na Kapuso Grand Fans' Day nitong Linggo, July 26, sa SM Mall of Asia Arena bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-65 na anibersayo ng GMA Network.
 
Bukod sa isang buong araw na programa, nagkaroon din ng pagkakataon ang ilang fans na maging bahagi ng “Meet and Greet” event tampok ang ilan sa pinakamalalaking artista ng Kapuso station.
 
Kabilang sa mga nakiisa sa naturang event at nakipagkuwentuhan at nagpakuha ng litrato sa fans ay ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
 
Naroon din ang “Eat Bulaga” Dabarkads na si Alden Richards, Kapuso artists na sina Kris Bernal, Louise Delos Reyes, at “Taste Buddies” host na sina Solenn Heussaff at Iya Villania kasama ang “The Rich Man's Daughter” stars na sina Rhian Ramos at Luis Alandy.
 
Hindi rin pinalampas ng “Pepito Manaloto” couple na sina Michael V. at Manilyn Reynes ang meet-and-greet event, at nagpasaya rin ng fans ang real life couple at “Beautiful Strangers” stars na sina Lovi Poe at Rocco Nacino.
 
Nakisaya rin ang mga bibida sa upcoming shows ng GMA, kabilang na ang tambalan nina Megan Young at Tom Rodriguez para sa bagong Pinoy adaptation ng hit Mexican series na “MariMar,” at sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ng upcoming GMA Primetime series na “My Faithful Husband.”

 
 
 
 
 
 


-- FRJ, GMA News