Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Ryzza Mae Dizon, may regalo na kay ’Little Marian’


Nitong nakaraang linggo lamang, nag-guest ang Kapuso Primetime Queen at very blooming na soon-to-be mom na si Marian Rivera sa noontime talk show ni Aling Maliit Ryzza Mae Dizon na “The Ryzza Mae Show.”

Malapit na sa huling trimester ng kaniyang pagbubuntis ang aktres at excited na excited na nga raw siyang palakihin ang kaniyang anak katulad ng pagpapalaki sa kaniya ng kaniyang lola, kasama ang asawa, Kapuso Primetime King at “Pari 'Koy” star na Dingdong Dantes.

Kasunod ng guesting na ito, inunahan na ni Aling Maliit ang mga magiging ninong at ninang ng baby girl ng Royal Couple at nagbigay na agad siya ng regalo para kay Little Marian.

Bukod sa towel na may nakalagay na “Baby Yan-Yan,” nagbigay rin si Ryzza ng pink sleepsuits para sa magiging anak nina Dingdong at Marian.

Ipinasilip itong lahat ng child star sa isang Instagram post nitong Biyernes.

Excited na nga rin ang nakararami sa nalalapit na pagpapanganak sa unang baby ng isa sa itinuturing na pinakamagandang pares sa showbiz ngayon, ngunit wala nang mas excited pa sa magiging ina na si Marian, na habang tumatagal nga ay lalong gumaganda.

Aniya, “Siguro kaya sinasabi ng marami na parang walang nagbabago, kasi nagre-reflect na pangarap ko ito. Pangarap ko kasing magkaroon ng anak kaya walang dahilan para hindi ako maging masaya araw-araw paggising ko. Dream ko ito, at hindi lang isa. Pangarap ko maraming anak.”

 

Ito po ang bigay ko kay @therealmarian para kay Baby Yan-Yan! ????????

A photo posted by The Ryzza Mae Show (@theryzzamaeshow) on



— Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News