Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Ryzza Mae, hirap maka-order ng paksiw na bangus sa restaurant


Madalas raw naghahanap ng paksiw na bangus si Ryzza Mae Dizon kapag kumakain siya sa labas kasama ang "Eat Bulaga" dabarkads, ang kaniyang nanay, mga kapatid, at mga kaibigan.
 
Pero bihira raw siyang maka-order sa restaurant ng paksiw na bangus dahil kadalasan ay sinigang o may sabaw ang specialty sa lutong bangus sa mga kainan sa labas.
 
Dahil dito, nag-request si Ryzza sa kaniyang guest sa talk show na si Andrea Del Rosario na isama sa menu ng restaurant nito sa Pasig City ang paborito niyang paksiw.
 
Ayon naman sa hot momma, pag-aaralan niya ang mungkahi ni Aling Maliit at papangalanan daw niya ang lutuin na “Ryzza's Paksiw na Bangus.”
 
Kasalukuyang abala si Andrea sa pamamahala ng kaniyang restaurant na “Longganisa Sorpresa” sa Brgy. Kapitolyo, Pasig City, kung saan matitikman ang iba't ibang klase ng longganisa mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas.



-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
 

Tags: watch, ryzzamae