Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Eugene Domingo, umaming gusto niya si Jose pero...


Sa isang episode ng game show na “Celebrity Bluff” nitong nakaraang linggo, deretsahang tinanong ng host at “Eat Bulaga” Dabarkads na si Jose Manalo ang kanyang co-host na si Eugene Domingo kung may gusto ba ito sa kanya.
 
Mabilis naman itong sinagot ni Uge ng maiksing “Oo, gusto kita!” na labis na nagpakilig sa audience ng naturang game show.
 
 
Ngunit, tila may kontrabidang humahadlang sa mutual understanding ng dalawang komedyante.
 
Abangan ang nakakagulat na twist sa maikli ngunit nakakatuwang skit na pinagbidahan nina Jose, Uge, at Boobay, kasama ang primera kontrabida at “Yagit” star na si Princess Punzalan. —JST, GMA News