Sigaw ng bashers: Piolo ginagamit na naman si Juday | Bandera

Sigaw ng bashers: Piolo ginagamit na naman si Juday

Ervin Santiago |June 27,2015
facebook
share this

Sigaw ng bashers: Piolo ginagamit na naman si Juday

Ervin Santiago - June 27, 2015 - 02:00 AM

piolo pascual

NAGKATAON man o hindi, mas gusto na naming isiping positibo ang ginawa ni Papa Piolo Pascual sa muling pagkikita nila ni Judy Ann Santos sa ASAP kamakailan.

May mga nagsasabi kasing “nagagamit” sa promo ng movie nina Papa P at Sarah Geronimo ang Teleserye Queen matapos nga itong mag-post ng litrato nila ni Juday sa Instagram with matching emote na sana ay magkatrabaho uli sila ng dati niyang ka-loveteam, na ayon sa kanya ay siyang nagbigay ng “biggest break” niya sa showbiz.

Mabuti na lang at mukha namang maganda, nakakakilig at matino ang pagkakagawa sa “The BreakUpPlaylist” movie nina Piolo at Sarah, na ayon pa nga sa ilang Popsters, theme song pa lang nito ay “ulam” na! Ha-hahaha!

Sagsag sa promo ang movie kung saan talagang ibinibida ang pagiging box-office royalties ng dalawa bukod pa sa pagiging mahuhusay talagang mga artista at singer.

Hindi naman kami nagdududa na tatabo sa takilya ang pelikula dahil sa trailer pa lang ay talagang marami na ang kinikilig. In fact, mas pinaghahandaan na naming mamemorya ang mga hugot lines ng mga bida bukod pa sa magiging soundtrack nito na siguradong tatatak sa mga viewers.

Tiyak ding maraming makaka-relate sa kuwento ng movie na obviously ay tungkol sa hiwalayan! Umamin ka kapatid na Ervin! Ha-hahahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending