Taga-Iloilo pinaghintay ni PNoy ng 1 oras | Bandera

Taga-Iloilo pinaghintay ni PNoy ng 1 oras

Bella Cariaso |June 11,2015
facebook
share this

Taga-Iloilo pinaghintay ni PNoy ng 1 oras

Bella Cariaso - June 11, 2015 - 09:13 PM

ILOILO City – HALOS isang oras na nahuli si Pangulong Aquino sa kanyang pagdating sa Iloilo Huwebes para sa pagpapasinaya ng ilang proyekto bago ang pagdiriwang ng ika-117 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Nakatakda sanang dumating si Aquino alas-11 ng umaga para sa kanyang unang iskedyul ngunit dumating ito ng alas- 11:5o ng umaga.

Kabilang sa pinasinayaan ni Aquino ay ang mga kalye na pinangalan sa kanyang yumaong mga magulang, ang President Corazon C. Aquino Avenue at Senator Benigno S. Aquino, Jr. Avenue, at ang Junction ng PCCA Avenue at SBSA, Jr. Avenue sa Brgy. Ungka, Pavia, Iloilo.

Kasama ni Aquino sa kanyang pag-iikot sa Iloilo, sina Interior Secretary Mar Roxas, na sinasabing kanyang pambato sa 2016 presidential polls at si Senate President Franklin Drilon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending