Filtered By: Showbiz
Showbiz

Cesar Montano, rumored girlfriend Sandra Seifert spotted at Ellen show in U.S.




(Cesar Montano and rumored girlfriend Sandra Seifert were spotted at the audience of The Ellen Degeneres Show amidst persistent rumors about her pregnancy. Photo: Screengrab from The Ellen Degeneres Show)


Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang direktang kumpirmasyon sina Cesar Montano, 52, at Sandra Seifert, 31, tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Basahin: Ex-beauty queen pregnant with Cesar Montano's baby?

Kasabay nito ay patuloy pa rin ang espekulasyon kaugnay ng isyung nabuntis diumano ni Cesar ang dating beauty queen.

Sa kabila ng pag-iwas nila sa isyu, namataan ang rumored couple na magkasamang nanood ng The Ellen DeGeneres Show sa Burbank, California, nitong nakaraang May 26.

Base ito sa ipinadalang mga larawan nina Cesar at Sandra ng isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, May 29.

Dito ay makikitang nasa loob ng studio ng naturang American talk show sina Cesar at Sandra kasama ng iba pang audience members.

Masayang pumapalakpak si Sandra habang pinapanood si Ellen, na tiyempong nakapuwesto malapit sa dating Miss Philippines Earth.

Kaugnay nito, malinaw na nanatili pa rin ang rumored couple sa U.S. mula nang una silang mamataan sa training camp ni Manny Pacquiao sa Los Angeles noong huling bahagi ng April.

Magkasama rin umanong nanood sina Cesar at Sandra ng mismong laban ni Manny at ni Floyd Mayweather Jr. sa Las Vegas noong May 2.

Taliwas ito sa espekulasyong lumipad si Sandra patungong Italy upang doon pansamantalang mamalagi, kasama ang nakatatandang kapatid ni Cesar na si Marimer Hamilton.

Base sa ulat ng PEP noong May 11, mayroong usap-usapan na diumano’y plano ni Sandra na manatili ng Italy hanggang sa maipanganak niya ang anak nila ni Cesar. -- For the full story, visit PEP.