Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rhian Ramos, napagkalamang lesbian noon dahil sa kaniyang pananamit na panglalaki




Sa The Rich Man's Daughter, gumaganap si Rhian Ramos bilang si Jade Tanchingco, isang babae na umiibig sa kapwa niya babae, na ginagampanan naman ni Glaiza de Castro. Pero alam ba ninyo na napagkamalan pala siyang lesbian noon?

READ: RaStro is the newest Kapuso loveteam

Sa kaniyang panayam kay Susan Enriquez sa Tunay na Buhay, ikinuwento ni Rhian na marami ang nag-akalang isa siyang tomboy dahil sa kaniyang pananamit.

"Kasi po lahat ng damit ko, damit ng lalaki. Kahit pinipilit ako ng parents ko na bumili ng bagong damit, ayaw ko," saad niya.

Sinang-ayunan naman ito ng kaniyang kapatid na si Nadine.

WATCH: Beautiful sisters Rhian and Nadine 

"'Yung damit niya, literal galing sa men's section. Wala siyang pakialam kung ano 'yung itsura niya, basta kumportable siya."

Ibinahagi rin ng Kapuso actress na isa siyang daddy's girl, at kahit napapadalas ang pag-alis ng kanyang Daddy Gareth dahil sa trabaho nito noon ay lagi silang lumalabas kapag umuuwi ito sa Pilipinas.

"Opo, nami-miss ko. Noong mas bata pa ako, kapag pumupunta po 'yung daddy ko, tapos dadalhin niya kami sa coffee shop, the same one every Sunday. 'Yun 'yung parang naging bonding namin."

Mas madalang na magkita ang mag-ama ngayon, but they still keep in touch.

"We used to get together on the phone once a week. As the internet came into the world, we started using Skype. We are forever in contact," shares Rhian's dad. -- MICHELLE CALIGAN, GMANetwork.com