Filtered By: Topstories
News

LOOK: Fun run, isinagawa upang himukin si Duterte na tumakbo sa 2016 polls


Sinalihan ng mga taga-suporta ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang "Run Duterte Run," isang fun run na ginanap sa tatlong iba't ibang lungsod sa bansa upang himukin ang alkalde ng Davao City upang tumakbo sa nalalapit na presidential polls sa 2016.

Ayon sa mga nakilahok, nakikita nila ang pag-asa ng pagbabago kay Duterte na naging ehemplo sa kaniyang panahon sa Davao.

Umaasa silang mabigyan ng pagkakataon si Duterte upang mapalakad ang buong bansa tulad ng pamamalakad nito sa kanyang pinaglilingkuran na lungsod.

Iginiit rin nila na mas mainam na tumakbo sa pagka-presidente ang alkalde imbes na maging running mate ni Bise Presidente Jejomar Binay, na nagpahayag ng interes sa alkalde.

Mas mainam raw na mag-isa ito sa pag-takbo dahil mahirap daw na madawit ito sa mga anomalya ng ibang mga pulitiko.

Kahit na puno ng suporta ang fun run na ginanap sa Manila, Davao, at Cebu para sa alkalde, nilinaw ng organizer na si Steve Esteban na hindi ito pangangampanya para kay Duterte.