Filtered By: Newstv
NewsTV

Gaano ba kahanda ang COMELEC sa Eleksyon 2016? Alamin sa 'Bawal ang Pasaway'


Bawal ang Pasaway
Commissioner Andres Bautista
Date of Airing: May 18, 2015



Isang taon bago ang eleksyon, may mga isyu pa rin sa kung ano ang sistemang gagamitin. Bukod dito, nagpalit pa ng pinuno ang Commission on Elections. Ano ba ang magagawa ng dating Presidential Commission on Good Government Chairman na si Andres “Andy” Bautista para sa COMELEC na hindi nagawa ng dating nakaupo na si Sixto Brillantes?

Aminado si Bautista na tila napasubo siya sa tinanggap na posisyon.  “I really must be crazy to take this post,” pabiro niyang sinabi kay Mareng Winnie.
 
Ang Precint Count Optical Scanner (PCOS) ang isa sa mga pangunahing pinaghahandaang maisayos ng COMELEC para sa mas mabilis at tamang pagboto. Ngunit isa rin ito sa mga malalaking hamon na kinahaharap ng COMELEC dahil umano sa pagkakaroon ng depektibong PCOS machines.
 
Sa panayam ni Mareng Winnie, sinabi ni Commissioner Bautista na may on-going bidding para sa pagbili ng bagong PCOS machines at kasabay nito ang isa pang bidding para naman sa diagnostics, refurbishment, at upgrade ng mga depektibong machine na aabot sa 23,000 ang bilang. 
 
Ayon pa kay Commissioner Bautista, transparency  at laban kontra katiwalian ang ilan sa kanyang mga tututukan ngayong 2016 Elections. Subalit kilalang taga-suporta ng Liberal Party si Bautista at malapit naman sa pamilyang Marcos ang kanyang asawa. Makinarya lang kaya si Bautista para isulong ang interes ng iba?
 
Panoorin ang kabuuan ng panayam ni Mareng Winnie kay COMELEC Chairman Andres “Andy” Bautista ngayong  Lunes, May 18, 10:15 ng gabi  sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, pagkatapos ng State of the Nation Address with Jessica Soho.