Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Diddy, Mark Wahlberg make $250,000-bet on Pacquiao-Mayweather fight


Hindi lingid sa kaalaman ng marami na maging ang mga celebrities sa loob at labas ng bansa ay nasasabik na para sa tinaguriang 'Fight of the Century' sa pagitan ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao at ng undefeated American boxer na si Floyd Mayweather, Jr.

Kabilang sa mga kilalang Hollywood icons na sumusuporta sa dalawang boksingero sina Mark Wahlberg sa Team Pacquiao at ang rapper na si Diddy sa Team Mayweather.

Bilang patunay ng kanilang suporta, pumusta ng $250,000 o higit sa P11,000,000 ang dalawa para sa kani-kanilang pambato.

Ipinakita sa entertainment site na TMZ ang pag-uusap ng dalawa, kung saan matutunghayang $100,000 lamang ang orihinal na presyo ng pustahan, ngunit itinaas ito ng dalawa sa $250,000 matapos maliitan si Wahlberg sa unang presyo.

Ayon pa sa naturang entertainment site, pupusta rin kay Mayweather ang rapper na si 50 Cent sa halagang $1.6 million o humigit-kumulang P70 million. — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News