PBA Finals aarangkada ngayon | Bandera

PBA Finals aarangkada ngayon

Barry Pascua |April 15,2015
facebook
share this

PBA Finals aarangkada ngayon

Barry Pascua - April 15, 2015 - 03:00 AM

ROS-TNT

Today’s Game
(Mall of Asia Arena)
7 p.m. Rain Or Shine vs. Talk ‘N Text

NAKAHANDA ang Talk ‘N Text sa inaasahang pisikal na engkuwentro kontra Rain or Shine sa pagsisimula ng kanilang best-of-seven series para sa kampeonato ng PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-7 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang Elasto Painters, ang top team sa pagtatapos ng elims, ay namayani kontra Meralco sa pamamagitan ng 3-0 sweep sa semis na nagwakas noong Abril 7.
Sa kabilang dako, kinailangan ng Tropang Texters ng apat na laro para idispatsa ang defending champion Purefoods Star. Natalo ang Talk ‘N Text sa Game One subalit nagwagi sa sumunod na tatlong laro para umusad sa Finals.
Sa elimination round ay naungusan ng Talk ‘N Text ang Rain Or Shine, 89-86, noong Enero 8.
Sa larong iyon, si Jayson Castro ay gumawa ng apat sa huling walong puntos ng Tropang Texters upang tulungang ipanalo ang kanyang koponan. Nagtapos siya na mayroong team-high 15 puntos. Si Castro pa rin ang inaasahang magiging main man ng Tropang Texters sa Finals matapos na pangunahan ang kanyang koponan sa huling tatlong laro ng semis kung saan siya ang nahirang na Best Player of the Game.
Nang unang magtagpo ang dalawang koponang ito ay iba pa ang kanilang import. Ang unang import ng Talk ‘N Text ay ang datihang si Richard Howell na hinalinhan ni Ivan Johnson. Sinubukan naman ng Rain Or Shine si Rick Jackson na kinalaunan ay pinalitan ng datihang si Wayne Chism.
Si Castro ay makakatapat ni Paul Lee. Sina Castro at Lee ang siyang frontrunners sa labanan para sa Best Player of the Conference award.
Sina Castro at Johnson ay susuportahan nina Ranidel de Ocampo, Larry Fonacier, Jay Washington at Kevin Alas at Matt Ganuelas Rosser.
Sina Lee at Chism naman ay tutulungan nina Gabe Norwood, Jeff Chan, Beau Belga, JR Quinahan at Ryan Arana. —Barry Pascua

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending