Umaasa pang magkakapabalikan: Kris love, love, love pa rin si Mayor Bistek | Bandera

Umaasa pang magkakapabalikan: Kris love, love, love pa rin si Mayor Bistek

Ervin Santiago |April 14,2015
facebook
share this

Umaasa pang magkakapabalikan: Kris love, love, love pa rin si Mayor Bistek

Ervin Santiago - April 14, 2015 - 06:11 PM

KRIS AQUINO AT HERBERT BAUTISTA

KRIS AQUINO AT HERBERT BAUTISTA

Hindi man pinangalanan ni Kris Aquino ang lalaking tinutukoy niya sa isang mensaheng ipinost niya Instagram kamakailan, halatang-halata namang si Mayor Herbert Bautista ito.
Ayon kay Kris, meron siyang ex-boyfriend na nananatili pa ring bahagi ng kanyang buhay, sa kabila raw ng nangyari sa kanila ay napanatili nila ang kanilang magandang pagkakaibigan.
Isang larawan ng lalaki at babae (cartoons) na nag-aapir (high five) ang ipinost ni Kris sa kanyang IG na may caption na: “60% of exes lose contact after a breakup: Is it ever worth it to repurpose your romance into a friendship?”
“(I) realized we’ve grown up a lot, moved on enough, learned to give mutual respect, and yes, laughing together again to finally make it to being part of the 40%…Grateful to be where we are…
“HAPPY WEEKEND IG Friends. GOOD NIGHT. #positivity #inagoodplace,” ang post pa ng TV host-actress.
Kung matatandaan, mismong ang anak ni Kris na si Bimby ang nagbuking na tuloy pa rin ang komunikasyon ng kanyang mommy at ni Bistek.
Ilang netizens naman ang nagsabi na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito maka-move on sa break-up nila ni Bistek dahil patuloy pa rin itong nagpo-post ng mensahe patungkol sa alkalde ng Quezon City.
Feel na feel daw nila na mahal pa rin ni Kris si Herbert at umaasa pa rin na magkakabalikan sila. Kung kilala raw nila ang TV host siguradong dedma na forever ang actor-politician kay Kris. Pero dahil nga siya pa ang nagpo-post ng kung anu-anong about Bistek, sure na sure raw sila na love, love, love pa rin niya ang ex-boyfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending