Filtered By: Newstv
NewsTV

Makisayaw sa pinakabatang poi dancer ng Puerto Galera, mamayang gabi sa 'Brigada'


Brigada
Martes, Abril 14
8 PM sa GMA News TV


 
KA'GAT
Ulat ni Chino Gaston
 
 

 

 
Sa kabundukan ng Abra makikita ang Philippine long-tailed macaque, isang uri ng unggoy na bukod tanging dito lang sa Pilipinas matatagpuan. Ang mga katutubong Banaw, bilang bahagi ng kanilang tradisyon, hinuhuli ng mga unggoy na ito. Ka'gaw kung kanilang tawagin ang mga macaque. Bagamat hindi pa naman ito nanganganib sa dagliang pagkaubos, nangangamba ang ilang grupo para kaligtasan ng mga Ka'gaw. Mayroon din daw kasing mga ordinaryong indibidwal na sangkot sa panghuhuli at pagbebenta ng mga macaque sa black market. Inalam ni Chino Gaston ang pasikut-sikot sa kalakarang ito.

 
BOY LAGABLAB
Ulat ni Tricia Zafra
 
 


 
Bukod sa mapanghalinang dalampasigan ng Puerto Galera, dinarayo rin dito ng mga turistang gustong takasan ang magulong siyudad ang masaya at patok nitong nightlife. At isa sa mga agaw eksena ngayon doon ang pinakabatang poi dancer. Sa edad na anim na taong gulang, marami ang namamangha sa kanyang talento sa pagsasayaw habang nagpapaikot ng lumalagablab na apoy. Nakilala ni Tricia Zafra ang tinaguriang “Boy Lagablab” ng Puerto Galera.