Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Carla Abellana's appeal to BIR


Kabilang ang aktres na si Carla Abellana sa mga umaapila sa pagpapatupad ng bagong regulasyon sa Bureau of Internal Revenues hinggil sa sistema at proseso nito para sa pagbabayad ng buwis.
 
Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng isang pahayag mula sa kapwa niyang tinututulan rin ang agarang implementasyon ng mga bagong regulasyon.
 
 

Oh thank God i'm not alone. #dreadedannualtaxseason #heartattack

A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) on

 
Ayon sa naturang pahayag, "Taxpayers should be given sufficient time to adjust their systems and processes so that they can best comply with the new tax filing requirements."
 
Dagdag pa rito, dapat lamang daw na magsagawa ng tax information campaign ang BIR upang lubos na ipaintindi sa mga Pilipino ang bagong regulasyon, at upang mapakinggan na rin ang panig ng mga nagbabayad ng buwis.
 
Hinihiling ng mga umaapela na panandaliang itigil ang pagpapatupad ng mga ito hanggang pagkatapos ng April 15 tax filing season.
 
"At the very least, these should be made optional at this point, rather than mandatory." —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
LOADING CONTENT