Ang GF na bang hindi virgin ang makakatuluyan? | Bandera

Ang GF na bang hindi virgin ang makakatuluyan?

Joseph Greenfield |March 26,2015
facebook
share this

Ang GF na bang hindi virgin ang makakatuluyan?

Joseph Greenfield - March 26, 2015 - 02:20 PM

Sulat mula kay Jeffrey Sto. Nino, SFDM,  Quezon City

Dear Sir Greenfield,

1. Magiisang taon na sana ang relasyon naming ng ng girlfriend ko hanggang sa may aminin siya sa akin na hindi na raw siya virgin, may nakauna na daw sa pagkababae nya, at ito raw an gang naging first boyfriend nya sa kanilang probinsya.
Kaya sa nangyaring iyon, nagulat nga ako talaga kasi ang gusto ko talagang mapangasawa ay isang babaing malinis o wala pang karanasan.
Kaya sa ngayon labis akong nanghihinayang kasi mahal na mahal ko po siya at siya palang ang unang naging girlfriend ko.
Kung siya ang makakatuluyan ko, hindi kaya agrabyado naman ako at magiging maligaya pa rin kaya ang aming itatayong pamilya? September 2, 1989 ang birthday ko.

Umaasa,
Jeffrey ng
Quezon City

Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Iisa lang ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung sino ang iyong first love at kauna-unahang babaing naka-relasyon, tiyak ang magaganap siya na nga ang iyong makakatuluyan at makakasama habang buhay.

Cartomancy:

King of Clubs, Nine of Hearts at Queen of Clubs (Illustration 1.) ang lumabas.
Ang mga baraha ang nagsasabing kahit hindi na virgin ang kasalukuyan mong girlfriend, siya na ang makakatuluyan mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending