Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ilang pari mula sa CBCP, inirekomenda ang panonood ng 'Pari Koy'


Masaya si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa positibong feedback sa bagong primetime show na 'Pari Koy' na kaniyang pinagbibidahan.
 
Ayon sa ulat ng "Balitanghali" nitong Miyerkules, inirekomenda pa ng ilang pari mula sa Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ang panonood ng naturang programa dahil sa mga aral na mapupulot dito.
 


Dagdag pa diyan, isang bagong materyal raw para sa mga manonood ang programa na nagpapakita ng buhay ng isang pari sa komunidad at ang pagsisilbi nitong naaayon sa kagustuhan ng Diyos.
 
Nagpapasalamat si Dingdong dahil bukod sa magandang pagtanggap sa primetime soap na pinagbibidahan niya, marami rin ang natutuwa sa ginagampanan niyang karakter na si Father Kokoy, ang astig na pari.
 
“Sobrang nagpapasalamat kami sa lahat ng sumusuporta. Sobrang uplifting kasi kahit basahin mo lang 'yung script, nakaka-inspire talaga 'yung nilalaman,” aniya.
 
Samantala, suportado rin ng aktor ang bagong proyekto ng kanyang misis at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, na bibida naman sa upcoming GMA show na “The Rich Man's Daughter.” --Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News