Kalat na: Sharon igaganti si Kc, may ‘BANTA’ kay Paulo | Bandera

Kalat na: Sharon igaganti si Kc, may ‘BANTA’ kay Paulo

Ambet Nabus |March 25,2015
facebook
share this

Kalat na: Sharon igaganti si Kc, may ‘BANTA’ kay Paulo

Ambet Nabus - March 25, 2015 - 02:00 AM

sharon kc
How true kaya kapatid na Ervin na hindi na nagulat pa at dedma lang si Megastar Sharon Cuneta hinggil sa inamin ni Paulo Avelino some weeks back sa The Buzz about his aborted relationship with KC Concepcion?

Ayon sa aming insiders na abala sa Your Face Sounds Familiar, may mga nag-try daw na kunan ng reaksyon si Sharon hinggil sa inamin ni Paulo na naging magdyowa sila ni KC pero naghiwalay na rin, pero nag-beg off daw si Mega at nag-dialogue ng, (words to this effect) “Ano ba naman ang bago sa kalakarang ganito sa showbiz?”

Pero ang mas nakakaintrigang anggulo na nakarating sa amin ay yung tila may pahiwatig daw si Sharon na kapag nagkita o nakita niya ang bidang aktor sa seryeng Bridges of Love ay tatratuhin din niya ito ng kung paano siyang tinrato ng aktor? Hala, ano kaya yun?

Basta sa pagkakaalam namin, never nagsalita ng hindi maganda si Sharon laban kay Paulo pero wala rin kaming matandaan na pinuri-puri nito ang binata noong kasagsagan ng issue sa kanila ni KC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending