Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' goes to Siargao on the first part of its second anniversary special




Biyahe ni Drew: 2ND ANNIVERSARY SPECIALS
Biyernes, March 6: Siargao
8 pm on GMA News TV

 


Ang Surfing Mecca ng Pilipinas ang susunod na adventure-filled destination ni Drew Arellano sa Biyahe ni Drew sa Biyernes!


 
Sikat na sikat ang Siargao hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo dahil sa mga alon nito na hindi nawawala buong taon.  Kaya naman dinarayo ito ng parehong local at foreign surfers.
 


Siyempre sasabak agad si Drew sa surfing. For 500 pesos, meron na siyang maaarkilang surfboard at may instructor pa! Kung hindi para sa iyo ang surfing, pwede ka namang mag-island-hopping mula General Luna papuntang sa mga kalapit na isla for 500 pesos din. Meron ding fresh water option sa Taktak Falls kung saan pwedeng tumalon mula sa tuktok from one to sawa. Hindi rin daw dapat palampasin ang ang isang natural swimming pool sa Mangpupungko Beach.



Kung saan may isla, tiyak may seafood! Inihaw na tuna, adobong pusit, sinabawang tanigue, at inihaw na sa-ang—ika nga ni Drew, you can’t get any fresher than this!
 


To shake off the calories, rekomendado ni Drew na makisayaw ang mga biyahero sa jungle-themed parties ng Siargao.  Pero dahil mas hilig niya ang nature-tripping,  sa mga buwaya siya makiki-party. Sa isang kakaibang wild nightlife, susuungin ni Drew ang isang protected swamp sa Pagunawan, Pilar kung saan pinakawalan ang tatlumpu’t anim na Philippine crocodile noong 2013.   Ano kaya ang kahihinatnan ng wildlife encounter na ito?
 
Sama na sa Biyahe ni Drew,  Biyernes, 8PM sa GMA News TV.