Senior citizen na taga QC kumobra ng P42.6M jackpot sa lotto | Bandera

Senior citizen na taga QC kumobra ng P42.6M jackpot sa lotto

|March 04,2015
facebook
share this

Senior citizen na taga QC kumobra ng P42.6M jackpot sa lotto

- March 04, 2015 - 05:11 PM
NANALO ng P42.6 milyon ang isang senior citizen na taga-Quezon City ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office. Ang jackpot winner ay nanalo sa bola ng Super Lotto 6/49 noong Pebrero 17. Nakuha niya ang mga numerong 16-23-19-20-25-30. Pinili niya ang mga numero mula sa kaarawan ng mga miyembro ng kanyang pamilya.  Siya ay 75-anyos, may-asawa at dalawang anak. May 10 taon na siyang tumataya sa lotto. Nagkakahalaga ng P60 ang kanyang itinaya ng manalo. Babayaran na umano niya ang kanyang mga utang at magbibigay ng donasyon sa simbahan at charity organizations bilang pasasalamat sa biyayang natanggap. Magtatabi siya para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending