Unang winner ng Ultra Lotto 6/58 taga Leyte; wagi ng P50M | Bandera

Unang winner ng Ultra Lotto 6/58 taga Leyte; wagi ng P50M

Leifbilly Begas |February 23,2015
facebook
share this

Unang winner ng Ultra Lotto 6/58 taga Leyte; wagi ng P50M

Leifbilly Begas - February 23, 2015 - 03:53 PM
SA  lalawigan ng Leyte tumaya ang unang nanalo ng P50 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58,  ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office. Ang nanalo ang nag-iisang tumaya sa mga numerong 47-05-17–16-57-58 sa bola noong Linggo ng gabi, Pebrero 22. Nagkakahalaga ng P14.2 milyon ang itinaya para sa naturang bola. Nanalo naman ng tig-P178,060 ang apat na mananaya na nakakuha ng limang numero at P1,850 ang napanalunan ng 308 mananaya na naka-apat na numero. Balik-taya (P20) naman ang 7,026 mananaya na nakatatlong numero. Noong Linggo ang ikalimang bola ng Ultra Lotto na sinimulan ngayong buwan. Umaasa naman si PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II na lalo pang tatangkilikin ng mga mananaya ang Ultra Lotto na may pinakamalaking minimum jackpot na nagkakahalaga ng P50 milyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending