Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Level-up' na modus ng mga kawatan, alamin sa 'Alisto'


ALISTO!
Lunes, Pebrero 16
4:35 PM sa GMA-7


 
MODUS: HOLDAPER ON WHEELS
 
Babala sa mga babaeng commuter.  May bagong modus ang mga kawatan—rumoronda muna sa target nilang lugar at umaatake habang tirik ang araw! Aktibo rin daw sila kapag payday o sweldo ng karamihan.
 
Hindi na lang din daw sila basta nag-aabang sa kanto o sakay ng motorsiklo. Tila nag-level up na sakay ng mamahaling SUV!

 
Batay sa tala ng pulisya, unang umatake ang mga holdaper sa Makati City. Sa reklamo ng isa sa mga biktima, nakasalubong niya ang SUV at bigla na lamang niyang narinig na may tumatakbo papalapit sa kanya mula sa likod. Tinutukan siya ng holdaper sabay hablot ng bag. Pero lumaban ang biktima hanggang sa matumba siya. Hindi nakuha ng suspek ang bag. Nagpaputok pa ng warning shot ang suspek bago ito tumakas.
 
Sumunod na umatake ang mga holdaper sa Quezon City. Dalawang babae ang naging biktima. Sa kuha ng CCTV ng Barangay South Triangle, kitang kita ang pag-atake ng suspek. Naglalakad ang biktima sa may Mother Ignacia St. nang makasalubong niya ang SUV. At tulad ng naunang biktima, tinutukan din ng baril ang babae sabay hablot ng bag. Nanlaban ang babae pero sa pagkakataong ito matagumpay na nakuha ng suspek ang bag.
 
Alamin ang mga paraan para hindi mabiktima!
 
 
HEROES CAUGHT ON CAM

Walang pinipiling panahon ang disgrasya.  Pero dahil likas sa ating mga Pilipino ang pagbabayanihan, mayroon pa ring mga handang tumulong sa mga nangangailangan.
 
Ang iba’t-ibang anyo ng kabayanihan—caught on cam!
 
Nag-ala kumadrona ang isang bumbero nang paanakin niya ang isang ginang sa isang pampasaherong jeep. Sa isang hiwalay na insidente,  nagtulong-tulong naman ng mga magkakapitbahay na masagip ang isang mag-lolang na-trap sa isang creek sa Taguig.
 
Kamakailan lang, isang malagim na aksidente ang nangyari sa Quezon City kung saan nayuping parang lata ang isang kotse matapos itong pumailalim sa isang bus. Pero ang driver—himalang nakaligtas! Kilalanin ang mga sumagip sa kanya mula sa tiyak na peligro!

 
Kung ikaw ang malalagay sa parehong sitwasyon, alamin ang dapat gawin para alistong makatulong!
 
Maging Alisto! Kasama si Igan, Arnold Clavio ngayong Lunes, Pebrero 16, 4:35 ng hapon sa GMA!