Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Transman sa 'Front Row'



 
“Transman” o “Transgender Man” - ipinanganak na babae pero kinikilala ang sarili bilang lalaki.  Anila, hindi sila lesbian o tomboy dahil hindi nila itinuring ang sarili bilang babae.
 

 
Si Bernadette noon. Si Prince Eagle ngayon.  Nagtrabaho sa Middle East ng halos labing anim na taon para matulungang maihaon sa hirap ang pamilya.  
 
Hitsurang babae noong tumulak sa ibang bansa. Pero sa kanyang pagbabalik, hitsurang lalaki na siya. May kasintahang babae  si Prince Eagle at tanggap na tanggap daw ang kanyang pagiging transman.
 

 
Si Xylem naman, mula nang siya ay pitong taong gulang, lalaki na raw ang tingin niya sa sa sarili kahit siya ay ipinanganak na babae. Tanggap ng ina ang napiling kasarian ni Xylem.
 
Paano nakagagalaw sa lipunan ang mga tulad nilang ”Transman”? Tunghayan sa Front Row ngayong December 8, Lunes pagkatapos ng Saksi sa GMA-7!