Filtered By: Showbiz
Showbiz

How Kylie Padilla transformed into Leonor Rivera


 
 
Aminado si Kylie Padilla na malaki ang pagkakaiba niya kay Leonor Rivera, ang role na ginagampanan niya ngayon sa BayaniSeryeng Ilustrado. Bukod sa pagkilos, kinailangan din daw niyang baguhin ang kanyang pananalita.
 
"Kinabahan ako nung unang sinabi sa akin na ako si Leonor Rivera kasi nasa Australia po ako noon, nagbabakasyon. So sabi ko, 'Paano 'to? Galing akong Australia, 'yung dila ko, Australian ulit. Yung script naman binigay ng maaga, two weeks before or maybe three weeks. Inaral ko everyday, araw-araw akong nagre-recite ng lines para tumigas ang dila ko," kuwento ni Kylie.
 
Emotionally ready rin ang aktres para sa kakaibang role niyang ito.

"Emotionally, sobrang handa ako para dito. Bago mag-eksena, hindi ko na kailangang isipin. In my other shows ganoon eh. Kailangan ko pang isipin na saan ba manggagaling 'to. Dito talaga, on the set, roll, go, action. Nandoon na ang emotions eh. Pati si Direk nagugulat. Ako rin nagugulat eh, kasi ang mga hindi ko pinaplano na gawin, nagagawa ko. Sobrang in character," anang aktres.
 
Ibinahagi rin ni Kylie na kahit sa Australia siya lumaki at nag-aral ay sinigurado ng ama niyang si Robin Padilla na kilala nilang magkapatid si Jose Rizal.
 
"Noong mga bata pa kami, nag Jose Rizal trip kami. Kung saan nakatira si Rizal dati, nakapunta kami sa bahay niya sa Calamba. Kasi si Papa talaga mahilig siya, at gusto niya alam namin ang history ng Pilipinas kasi sa Australia kami nag-aral. Tapos nang mag-Europe kami, pinuntahan namin ang school ni Rizal doon. Nakita namin kung saan siya nag-stay sa Germany," anang dalaga.
 
Ano naman ang masasabi niya sa gumaganap bilang Jose Rizal na si Alden Richards?
 
"Masaya po ako kasi si Alden, magkaibigan na kami before this. May foundation na, hindi na kailangan na magkaroon pa. At nagkakaintindihan na kami pagdating sa craft, and mahusay talaga si Alden," pahayag nito. —  Michelle Caligan, GMANetwork.com