Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rapper na si Abra, bagong ka-love team ni Julie Anne San Jose?


Tila isinilang sa pelikulang Kubot: The Aswang Chronicles 2 ang bagong tandem nina Julie Anne San Jose at ng rapper na si Abra. 
 
Pinangungunahan nina Primetime King Dingdong Dantes at Taste Buddies host, Isabelle Daza ang pelikula, pero importante raw ang roles nina Julie Anne at Abra.
 
Ani Julie Anne, “Kami parang ‘yung bubuo ng magiging armas ni Kuya Dingdong para sa paglaban sa mga kubot.”
 


Unang pelikula ito ni Abra, at ayon sa kanya, nakakatuwa raw ang experience.
 
“Swabe lang ‘yung shoot namin at saka masaya. Maganda ‘yung ano, astig ‘yung mga set-up. Okay pala mag-shoot ng movie. Ganoon pala ‘yung mga galawan,” sabi niya.
 
Hindi lang pang pelikula ang tambalang Julie Anne at Abra. Nag-collaborate rin sila sa paggawa ng kanta na ini-record nila.
 
Kuwento ng rapper, “Gumawa ako, gumawa siya tapos nagkataon na noong pinagsama namin, bagay, kaya astig. Swak na swak.”
 
Dagdag naman ni Julie Anne, “Ang galing lang kasi never kaming nag-usap prior doon sa recording.” -- Samantha Portillo, GMANetwork.com