Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Yungib sa siyudad sa 'Reporter's Notebook'






Kilala ang Manila Bay bilang isang pasyalan. Pero para sa ilan nating kababayan, ito na ang itinuturing nilang tirahan. Sa loob ng limang taon, ang maliliit na “yungib” o butas sa pagitan ng mga bato sa breakwater ang nagsisilbing silungan ng pamilya ni Russel, siyam na taong gulang. Kasama niya ang kaniyang apat na kapatid. Pilit nilang pinagkakasya ang kanilang mga sarili sa animo’y lungga sa batuhan. Dito na sila nagluluto, naliligo at natutulog.



Hindi na nakapag-aral ang magkakapatid. Iniwan na kasi sila ng kanilang ina at tanging ang ama na lang nila ang bumubuhay sa kanila. Bilang panganay, katulong si Joshua ng kaniyang ama sa pangingisda. Pangarap daw niyang mapag-aral ang kaniyang mga kapatid upang makaalis sila sa ganitong lugar at makaahon sa kahirapan.



Hindi nalalayo ang kalagayan ng mga nakatira sa isang maliit na tunnel o lagusan ng tubig sa Navotas. Apat na pamilya ang nakatira sa ilalim kabilang na si Aling Fely, limampu’t apat na taong gulang. Ayon sa tala ng National Statistics Office, nasa 3.1 milyong katao ang walang maayos na tirahan dito sa Metro Manila.

Huwag palalampasin ang mas pinatatag at mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaan. Abangan ang Reporter’s Notebook, Huwebes, 4:35 ng hapon.
Tags: prstory