Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sexy star Jennifer Lee: 'Gusto ko muna kasal, bago baby'


 

"Single" na naman ngayon ang status ng dating Viva Hot Babe na si Jennifer Lee. Ito'y matapos magwakas ang may isang taong relasyon nila ng negosyanteng si Raymond Yap, na dati namang boyfriend ng singer-actress na si Ara Mina.

Si Ara ay limang buwan buntis ngayon sa kanyang current boyfriend na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennifer sa press launch ng Bare magazine, sa Eclipse Entertainment Lounge ng Solair Resort & Casino, naging bukas siya sa pagpapahayag ng kanyang saloobin tungkol sa katatapos pa lang niyang relasyon.

Lahad niya, "One year kami, pero not meant to be.

"Yeah, siya yung ex ni Ara, pero two years na silang break ni Ara nang maging kami.

"Okay lang naman ako. I'm sure meron pa naman 'yan [na para talaga sa akin].

"Hindi naman ako in a hurry."

Nang tanungon kung bakit sila naghiwalay, idinahilan ni Jennifer na ang tila kawalan nila ng chemistry. Pero inilarawan niya na mabait naman ang dating nobyo at naging masaya siya nang panahon na sila pa.

Pero bago kay Raymond,  nakipaghiwalay din siya sa boyfriend niyang itinago niya sa initial na "RV."

Kaya tuloy marami ang nagtatanong kung bakit wala siyang nagtatagal na relasyon.

Paliwanag naman ng sexy star, "Hindi ko rin alam, e.

"Focus lang kasi ako sa career at sa mga negosyo ko.

"Pero before Raymond, ginive-up ko na rin ang career ko.

"May tendency kasi ako na mag-walkout in an argument, they don't like it.

"Like, yung date nga namin ni RV, dahil nag-walkout ako, sabi niya sa akin, 'If you walk out on me, don't text me, it's over.'

"E, nag-walkout ako.

"Siguro mataas ang ego ko... I don't know, happy naman ako," anang 29-year-old Viva contract star.

Tungkol sa pagkakaroon ng kani-kanilang pamilya ng mga dating kasabayan niyang Viva Hot Babes tulad nina Katya Santos, Maui Taylor, at Andrea del Rosario, sinabi ni Jennifer na hindi naman siya nagmamadali.

Aniya, "Si Katya, she's married.

"Pero si Maui, hindi pa 'ata kasal, pero may baby na siya.

"Kahit hindi siya married, they are a happy family naman.

"'Pag nagkikita-kita nga kami, we usually see each other pa naman, yun, puro kantiyaw.

"'Tapos, nang-iinggit pa.

"Timing lang talaga siguro."

Puwede naman na anak muna at saka na ang kasal.

Bulalas niya, "No offense, gusto ko muna kasal, bago baby.

"Medyo conservative pa rin ako sa ganyan, pero if it happens, 'di ba?

"Hindi mo naman puwedeng... sunod na nga lang ang kasal." -- Glenn Regondola, PEP

For the full story, visit PEP.
Tags: jenniferlee