Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rap Fernandez, aminadong nakakalito ang pangalan nila ng kapatid na si Renz




Hindi issue para sa aktor na si Rap Fernandez kapag natatawag siya sa pangalan ng kanyang nakababatang kapatid na si Renz.

Kasama ngayon ang panganay na anak nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino sa primetime series na Hiram na Alaala. Gaganap siya bilang si Bruno, ang anak ng pinuno ng mga rebelde na magiging kaibigan ng mga karakter nina Dennis Trillo at Rocco Nacino.

Ang kapatid niyang si Renz naman ay malapit nang mapanood sa upcoming afternoon series na Yagit.

"Nakakalito ang names namin, kasi usually kapag lumalabas kami, sabay. Like last time nang mag-guest kami sa The Ryzza Mae Show, sabay kami. So ang mga tao nalilito kung sino si Rap, sino si Renz. Okay lang. Kilala ko naman ang sarili ko eh," patawa niyang sagot.

Dagdag pa niya, "It's a good thing that we are on separate shows na. At least we could show everybody how we are different [from each other], and next time they'll remember my name na, di ba? Hahaha!"

Ang huling proyektong ginawa ni Renz para sa telebisyon ay isang episode ng Magpakailanman. Nanibago ba siya sa taping schedule ng isang daily show?

"I love waiting, I love being on the set. Nili-literal ko ang call time. I get there when they call me, tapos I wait for my turn. While waiting, doon mo puwedeng i-internalize 'yung character, aralin mo lahat, kung saan siya nanggagaling, kasi may panahon ka. 'Yung panahon na 'yun gamitin mo na lang ng tama. Mag-observe ka na rin, panoorin mo 'yung wardrobe, 'yung director, silang lahat."

Naikuwento rin ni Rap na gusto niyang maging direktor, pero sa ngayon ay hindi pa siya handa.

"Balang araw, kasi feeling ko kulang pa 'yung knowledge ko talaga. Habang umaarte ako, mas marami akong natututuhan, at eventually babagsak din tayo roon." -- Michelle Caligan/Bochic Estrada, GMANetwork.com
LOADING CONTENT