Filtered By: Showbiz
Showbiz

Paolo Ballesteros, nakalabas na ng ospital


Sa pamamagitan ng post sa Instagram, ipinaalam ng Eat Bulaga co-host na si Paolo Ballesteros na nakauwi na siya matapos maratay sa ospital dahil sa naranasang "mini stroke."

Basahin: Paolo Ballesteros in hospital after 'mini-stroke'

Basahin: Vic Sotto, tiniyak na maayos ang lagay ni Paolo Ballesteros

 
Nakasaad sa post ni Paolo nitong Huwebes na may kasamang larawan niya na:
 
"hello dabarkads! im home na at ok na ako. before i post anything else, eto ang update. normal na ang bp hehe. yung heart, may slight enlargement. 5.1. normal is 4-5. so .1 lng naman daw. liver enzymes elevated ng slight den kc sa alak at mga diet dietan. lahat ok na. di pa kelangan maintenance hehehe. after 6mos. kelangan icheck ulet yung heart kung lumiet na. 1week lang pahinga kitakits na ulet mga dabarkads sa barangay! :) 1 week na pahinga maramerameng makeup transformation to! hehehe. thanks sa mga dabarkads na nagppray at mga well wishers. salamat! @eatbulagaselfie #odibanakapagselfiena #atnakapagflexpahehehehe."

Sa nakaraang ulat, sinabing batay sa American Stroke Association website, ang transient ischemic attack na tinatawag ding "mini-stroke" ay nagdudulot ng pagtaas ng presyon ng dugo at tumatagal lamang ng may limang minuto. Hindi naman ito nag-iiwan ng permanenteng pinsala sa utak.

Nitong Huwebes, mayroon ding hiwalay na larawan ipinost si Paolo sa kaniyang account na make-up transfortation na ginaya niya ang Hollywood actress na si Megan Fox. — FRJ, GMA News