Filtered By: Topstories
News

Kennon Road sarado, 11 pang kalsada barado rin dahil sa hagupit ng Bagyong Luis


Kahit wala na sa Philippine Area of Responsibility nitong Lunes ang Bagyong Luis, ilang kalsada pa rin sa Hilagang Luzon ang hindi madaanan dahil sa lakas ng hagupit nito.

Kabilang sa mga isinarang kalsada ay ang Kennon Road na dinaraanan papuntang Baguio City.

Ayon sa ulat ng Philippine Information Agency, isinarado ang Kennon Road bandang alas-dos ng madaling araw dahil sa "landslide and falling rocks along the road."

Unang nanalasa ang Bagyong Luis nitong Linggo sa Hilagang Luzon at nagdala ng malakas na hangin at pag-ulan. May ilang ulat din ng pagbaha ang naitala.

Base sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management, wala umanong namatay mula sa bagsik ng Bagyong Luis subalit mahigit 7,000 katao ang inilikas dahil sa malakas na pag-ulan at pagbaha.

Samantala, narito naman ang mga kalsadang hindi pa rin madaanan base sa tala ng NDDRMC nitong umaga:

La Union:

- Boundary ng Rosario, La Union at San Fabian, Pangasinan

- Romulo Highway sa Brgy. Poblacion at Pagomboa, Aguilar hindi madaanan ng lahat na sasakyan

- San Jacinto papuntang San Fabian sa Brgy. Vicente hindi madaanan ng magaang sasakyan

Nueva Ecija:

- Nueva Ecija-Pangasinan Road sa Cuyapo

- Laur-Bongabon Road

- Muñoz-Lupao Road lubog sa tubig

- Tablang-Gabaldon Road halos hindi madaanan ng magaang sasakyan

Aurora:

- Bongabon via Baler Road

Catanduanes:

- detour bridge sa Barangay Hicming, Virac

Mountain Province:

- Mt. Province-Ilocos Sur via Tue Calaban section

Apayao:

- Sta. Elena-Poblacion Road sa Claveria, Calanasan isinara dahil sa landslide

- Lower Manot-Pudtol isinara dahil sa eroded riprap

Kalinga:

- Pinukpok-Balbalan Road sa Barangay Limos Pinukpok, isinara dahil sa landslide

Bandang alas-dos ng hapon ng tuluyang lisanin ng Bagyong Luis ang PAR. Sa kasalukuyan, tumutungo ito sa timog-bahaging Tsina. — Rouchelle R. Dinglasan/BM, GMA News